
ano ba talaga gusto mo?
yun bang anim na taon na sa high school?
yun bang astang gangster?
yun bang mukhang adik na chain smoker?
o yung sumuko na sa pag-aaral kasi tinamad lang basta?
*
pwede naman yung matino.
sumusunod sa bawat sabihin at hilingin mo.
nagpupursigi sa iskwela para sa magandang kinabuasan
at yung nagmamahal ng totoo sayo
*
hindi ako pulitikong nangangako ng kahit ano.
hindi rin ako naghahangad pa ng iba't-ibang bagay o gamit
hindi mo man maibigay nang buong-buo oras mo
basta't yakapin mo lang ako
*
wala na akong hihilingin pang iba.
wala na rin akong hahanapin pang iba.
wala ka mang gawing kakaiba o espesyal
mahalin mo lang ako, ayos na ayos na!

No comments:
Post a Comment